300X600

Monday, June 27, 2016

TULAY

Dalawang toro ang nagkasalubong sa isang tulay 
na tanging isa lang ang pwedeng dumaan

sabi ng unang toro

" brod umatras ka dadaan ako ,mas nauna naman akong
dumaan sa iyo eh "

sabi ng ikalawang toro

" brod hindi pwede ang gusto mong mangyari
malayo ang pabalik , kung gusto mo ikaw ang
umatras mas malapit lapit ka "

sagot ng unang toro

" kung nagmamatigas ka , daanin na lang natin
sa suwagan , tinggnan lang natin kung hindi ka
magpagulong gulong pabalik "

sagot ng ikalawang toro

" eh di subukan mo kung kaya mo , baka ikaw ang
gumulong gulong pabalik "

sa pagkakataong iyong pareho ng umuusok ang
kanilang ilong sa galit sa isa't isa kaya handa na nilang
suwagin ang isa't isa.

pero biglang nagsalita ang ikalawang toro

" brod ,teka muna , para hindi na tayo mag-away
at humantong pa sa sakitan , yuyuko na lang ako
tapos dumaan ka sa ibabaw ko para makatawid ka na "

sabi ng unang toro

" sige kung ayos lang sa iyo "

kaya ganun nga ang nangyari  at pareho silang
nakatawid ng walang away

Aral:

Ang galit ay hindi maiiwasan , ngunit huwang mong
hayaan na ang galit mo ay humantong sa karahasan.
matutong magpakumbaba para maghari ang kapayapaan


Saturday, June 25, 2016

BANGKA

BANGKA 

nagkaroon ng malaking baha sa isang siyudad
at halos hanggang bubong ang tubig at marami ng mga 
sasakyan at mga bahay ang tinangay

sa ganoong sitwasyon isang krisityano ang mapalad na
nakaakyat ng bubong para mailigtas niya ang kanyang 
sarili subalit patuloy na lumalaki pa rin ang tubig
kaya siya ay nanalangin na.

" lord iligtas mo po ako "

maya maya may dumating na bangkang de motor

" sir sakay na po kayo lumalaki po ang tubig "

sagot niya 

" hindi na ,  ililigtas ako ng Diyos , mauna na kayo "

kaya umalis na yung bangka

pero patuloy na lumalaki ang tubig kaya
nanalangin siya ulit

" lord iligtas mo ako "

maya maya may dumating ulit na bangkang de motor

" sir sakay na po kayo sobrang laki na po ng tubig "

sagot niya

" hindi na , ililigtas ako ng Diyos , mauna na kayo "

kaya umalis na yung bangka

mga ilang sandali pa tuluyan ng tinangay ng tubig ang bahay
na kanyang kinalalagyan at siya ay kasamang nalunod at namatay.

pagdating sa langit nagreklamo siya sa Diyos

" Lord bakit hindi mo naman ako iniligtas "

sagot daw ng Lord sa kanya

" tanga ,  nagpadala ako ng dalawang bangkang de motor
hindi ka naman sumakay " 

Aral :

Minsan tayo ang pumipili sa sarili natin ng mga
maling gawain at desisyon , pero isinisisi natin sa
Diyos kapag nagbunga ito ng kapahamakan



Wednesday, June 22, 2016

BALAK

Dahil sa tindi ng problemang kinakaharap ng isang
ginang , minabuti na niyang magpakamatay

pero bago siya magpakamatay , iniisip niya kung
paano siya magpapakamatay .

may tatlo siyang binabalak na pagpipilian
1. magbigti , 2 . uminom ng lason , 3. mag laslas ng pulso

dahil sa hindi pa buo ang kanyang pagpapasya kung
alin sa tatlo ang kanyang pipiliin , nagpunta muna siya
ng c.r. para umihi

pero sa hindi sinasadyang pangyayari ,siya ay nadulas
at humampas ang ulo niya sa inidoro at ito ang kanyang
ikinamatay.

Aral :

Hindi solusyon ang pagkitil sa sarili para malampasan ang
mga problema , at wala rin tayo sa lugar para gawin ito.
Diyos lang ang may karapatan sa buhay natin kung ito ay
magpapatuloy o hindi na.

kay Jesus ang magulong buhay ay naaayos..

Saturday, June 11, 2016

ANG DOKTOR

Nagmamadali ang isang doktor papuntang hospital
dahil sa isang emergency na tawag sa kanya

pagdating ng doktor sa hospital galit na sinalubong
ng Ama ng pasyente ang doktor

sabi ng tatay ng pasyente

" Dok bakit naman ngayon lang kayo dumating
alam nyo namang nakabingit na sa kamatayan ang
anak ko! "

ang sagot ng doktor

" sir pasensiya na po , nang matanggap ko nga po
ang tawag sa akin agad agad na po akong nagbihis
para makarating dito sa hospital , pasensiya na po kung
ako'y na late "

dugtong pa ng doktor

" pumanatag po kayo gagawin ko po ang lahat para
mailigtas ko ang buhay ng inyong anak."

pumasok na ang doktor sa operating room ,samantalang
ang tatay ay nagmamaktol pa.

mga ilang oras ang lumipas lumabas na ang doktor
sabi niya sa tatay

" sir ligtas na po ang inyong anak "

tapos nagmamadaling tinawag ng doktor ang 
kanyang nurse ibinilin ang pasyente at
nagmamadaling umalis na ito.

sabi ng tatay ng pasyente sa nurse

" bakit naman ganun yung doktor na iyon,
mayroon pa sana akong itatanong lumayas 
na agad , para namang wala siyang concern
sa pasyente "

sabi ng nurse sa tatay

" sir si doktor po kasi namatayan ng anak
ng tinawagan po siya nasa burol po siya ng
kanyang anak , pero ng malaman po niyang 
emergency ang isang pasyente , iniwan niya
muna ang kanyang anak at pumunta po siya dito
sa ospital para operahan ang anak ninyo. "

nang marinig ito ng tatay , nag sorry siya
sa nurse.

Aral:

Huwag po tayo agad agad nanghuhusga ng tao
kung hindi naman talaga natin alam ang totoo

Wednesday, June 8, 2016

GATAS NG KALABAW

Si aling maria ay nagtitinda ng gatas ng kalabaw

Tuwing umaga naglalako siya sa kanyang mga suki
ng gatas ng kalabaw at itoy matagal na niyang
ginagawa.

Isang araw si aling maria ay naanyayahan sa
gawain ng Panginoon , sa isang bible study

narinig niya ang mga salita ng Diyos ,hinipo
siya ng Panginoon at nagpasya siyang 
tanggapin si Cristo sa kanyang buhay

sumunod na mga araw kaunti lang ang
nagatas niya sa kanyang kalabaw kaya hindi 
niya mabibigyan lahat ng kanyang suki

Dahil bagong kristiyano pa lang itong
si aling maria , tinutukso siya ng diyablo
na dayain na lang ang  gatas , haluan niya ito ng tubig

subalit hindi nagpadala si aling maria sa 
tukso ng diablo , nilako niya sa kanyang mga suki
ang gatas ng kalabaw , hindi nga lang
nabigyan ang lahat.

kinabukasan ,pagbalik ulit ni aling maria
sa kanyang mga suki ,isa sa mga ito ang
nagtanong

" Aling maria may bago ba kayong kalabaw ? 
kasi po matagal na kayong naglalako sa amin
ng gatas ng kalabaw pero kahapon lang kami
nakatikim ng pinakamasarap na gatas ng kalabaw "

sagot ni aling maria

" wala po akong bagong kalabaw , yun din po yung
ginagamit kong kalabaw "

sabi ng suki

" ganun po ba , bakit po masarap ? "

sagot ni aling maria

" kasi bago na si aling maria ngayon
hindi na ako si aling maria na mandaraya na yung 
tinitinda ko sa inyong gatas ay may halong tubig.

Aral :

Ang tunay na pagbabago ,hindi pinanghihinayangan
na mwala sa kanya ang mga bagay na labag
sa kalooban ng Diyos






Sunday, June 5, 2016

PANSIN

isinama ng isang mayamang tatay ang kanya anak
sa isang paglalakbay para makita ng anak ang
mga nangyayari sa paligid

pag uwi nila sa bahay tinanong ng tatay ang anak

" Anak kamusta ang ating paglalakbay , nakita mo ba
kung paano mamuhay ang mga taong mahihirap ? "

sagot ng anak " Opo dad , marami po akong napansin
sa mahihirap na tao "

sabi ng tatay " ano ang mga napansin mo " ?

sabi ng anak :

" napansin ko po na tayo may isang aso ,sila may apat na aso "

" napansin ko po na tayo may swimming pool ,sila may
mahabang ilog "

" napansin ko rin po tayo may imported na ilaw sa bintana
,sila may liwanag ng buwan at bituin sa langit "

" napansin ko rin po , tayo may malaking kuwarto
para tulugan , sila ay may napakalawak na kapaligiran
para tulugan "

dugtong pa ng anak " dad salamat po ,ipinakita nyo
sa akin kung gaano pala tayo kahirap "

Aral :

Huwag nating isipin na dahil tayo ay nakakaangat
sa iba ,maari na tayong magmalaki

sa mata ng Diyos ang tunay na nakakaangat sa buhay ay 
ang may ginintuan puso na handang ibahagi
ang kanyang yaman  sa mga taong nangangailangan.




Friday, June 3, 2016

MARATHON

Nagkaroon ng marathon para sa mga special child 
na ginanap sa isang malaking sports arena

Ang mga kalahok na mga bata ay may kapansanan sa
kanilang isip kaya hindi normal ang kanilang mga kilos
medyo may pagka makukulit

Maraming tao na naroon para manood ng marathon
ng mga bata

Ang bata ay nasa kanya kanya ng posisyon
bilang paghahanda na handa na silang magkarera

Pagputok hudyat na dapat na silang magtakbuhan

Kanya kanyang takbo ang mga bata samantala
ang mga manonood ay kanya kanyang cheer
at masaya ang lahat

Sa kalagitnaan ng karera , isa sa mga bata ay
nadapa at umiyak ito ng malakas

Dahil dito ang mga manonood ay nag-alala dun
sa batang nadapa kaya medyo tumahimik

Dahil sa malakas na iyak ng batang nadapa
ang ibang mga bata ay nagsihinto rin sa pagtakbo

nagsilapitan ang mga bata  dun sa batang nadapa
at isa sa mga contestant na bata ang nagsalita sa
batang nadapa

" Huwag ka ng umiyak nandito na kami
hawak ka sa kamay ko at tumayo ka "

Nahimasmasan ang bata sa pagiyak

Ang ginawa ng mga bata , lahat sila ay
naghawak hawak ng kamay  at masayang
naglakad papunta sa finish line

Ang mga tao ay nagpalakpakan
at tuwang tuwa sa nangyari

Aral :

Sa pagtutulungan  may pagkakaisa.