Nagmamadali ang isang doktor papuntang hospital
dahil sa isang emergency na tawag sa kanya
pagdating ng doktor sa hospital galit na sinalubong
ng Ama ng pasyente ang doktor
sabi ng tatay ng pasyente
" Dok bakit naman ngayon lang kayo dumating
alam nyo namang nakabingit na sa kamatayan ang
anak ko! "
ang sagot ng doktor
" sir pasensiya na po , nang matanggap ko nga po
ang tawag sa akin agad agad na po akong nagbihis
para makarating dito sa hospital , pasensiya na po kung
ako'y na late "
dugtong pa ng doktor
" pumanatag po kayo gagawin ko po ang lahat para
mailigtas ko ang buhay ng inyong anak."
pumasok na ang doktor sa operating room ,samantalang
ang tatay ay nagmamaktol pa.
mga ilang oras ang lumipas lumabas na ang doktor
sabi niya sa tatay
" sir ligtas na po ang inyong anak "
tapos nagmamadaling tinawag ng doktor ang
kanyang nurse ibinilin ang pasyente at
nagmamadaling umalis na ito.
sabi ng tatay ng pasyente sa nurse
" bakit naman ganun yung doktor na iyon,
mayroon pa sana akong itatanong lumayas
na agad , para namang wala siyang concern
sa pasyente "
sabi ng nurse sa tatay
" sir si doktor po kasi namatayan ng anak
ng tinawagan po siya nasa burol po siya ng
kanyang anak , pero ng malaman po niyang
emergency ang isang pasyente , iniwan niya
muna ang kanyang anak at pumunta po siya dito
sa ospital para operahan ang anak ninyo. "
nang marinig ito ng tatay , nag sorry siya
sa nurse.
Aral:
Huwag po tayo agad agad nanghuhusga ng tao
kung hindi naman talaga natin alam ang totoo
No comments:
Post a Comment