ang kanyang anak na batang maliit ay kinukulit siya
at ginugulo siya kaya hindi siya makapag basa ng maayos
Ang ginawa ng ama para hindi siya maistorbo
kumuha siya ng isang page ng magazine at
nagdrawing siya ng mapa sa magazine
at pagkatapos ito ay ginupit gupit niya
para gawing puzzle
Niyaya niya ang kanyang makulit na anak
sa isang kwarto at doon binigay niya yung
pinag gupit gupit na mapa bilang isang puzzle
sabi ng tatay " Anak gumawa ako ng isang puzzle
na mapa kapag natapos mo na itong mabuo
puntahan mo ako sa kuwarto ko ha "
Opo sagot ng bata.
sa isip isip ng tatay , " abutin ka ng maghapon
hindi mo mabubuo yan "
Subalit lumipas ang ilang minuto pumasok
ang bata sa kwarto ng tatay niya at sinabi
" Papa tapos na po yung puzzle na pinagawa
nyo sa akin "
Sabi ng tatay " Ha ? natapos mo agad , paanong
ginawa mo ? "
Ang sagot ng bata " Papa yung magazine na
binigay nyo sa akin , picture nyo ang nasa likod
yun na lang po ang sinundan ko kaya natapos agad "
Aral :
Kung titingnan natin ang mga pangit na nangyayari sa
ating buhay ,iisipin nating parang mahirap ng maayos
at makabangon , subalit kung ang titingnan pala natin
ay si Cristo at magtitiwala tayo sa kanya madali lang
pala nating malalampasan maging mga mga suliranin
No comments:
Post a Comment