May isang Uwak na nakatira sa gubat
at masaya siyang namumuhay doon
Isang araw nakakita siya ng Swan
at siya'y humanga , sa loob loob niya
" Ang ganda naman ng Swan na ito
ang puti puti ng balahibo samantalang ako
ang itim "
Lumapit siya sa Swan at sinabi niya
" Swan ang saya saya mo siguro kasi
ang ganda ng balahibo mo ,ang puti puti "
Ang sagot ng Swan , " Oo nga pero tingin ko
mas masaya si Parrot kasi ang kulay ng balahibo niya
dalawa , ako isa lang "
Isang araw pinuntahan ni Uwak si Parrot at ang
sabi niya " Parrot totoo pala na maganda ang balahibo mo
dalawa ang kulay , green at white ,siguro ikaw na ang pinaka
masayang ibon . "
Ang sagot ni Parrot " Oo nga pero sa tingin ko mas masaya si
Peacock ,kasi ang dami dami ng kulay ng kanyang balahibo "
Isang araw pinuntahan naman ni Uwak si Peacock
nakita niya ang dami daming tao na nanonood sa kanya
may kumukuha pa ng litrato at hangang hanga sila.
Nang wala na ang mga tao ,nilapitan ni Uwak si Peacock
at ang sabi niya " Peacock ,grabee ! ang ganda ganda mo
pala talaga ,ang balahibo mo ang dami daming kulay ,
Ikaw na siguro ang pinaka masayang ibon sa mundo "
Ang sagot ni Peacock " Alam o Uwak akala ng iba
dahil sa kagandahan ko akala nila totoong masaya ako
pero hindi nila alam ,dahil sa kagandahan ko
nanatili naman akong nakakulong dito "
Dugtong pa ni Peacock " Uwak mas naiinggit ako sa iyo
kasi kahit hindi ka naman maganda pero malaya ka "
Aral :
Mas mabuti na yung kahit hindi ka maganda sa paningin
ng mga tao pero totoong masaya ka , kaysa naman lahat ng
bagay ay nasa iyo na pero hindi ka naman totoong maligaya.
No comments:
Post a Comment