300X600

Thursday, May 26, 2016

ANG MAGKAIBIGAN

Pinalad ang dalawang matalik na magkaibigan na maligtas sa isang plane crash ,subalit sila ay napapad sa isang malawak na disyerto.

Habang sila ay naglalakad at naghahanap ng maari nilang matuluyan , sila ay nagtatalo at nagsisisihan tungkol
sa nangyari sa kanila.

Ang kanilang pagtatalo ay naging mainitan hanggang sa ang isa sa magkaibigan ay napikon kaya sinampal niya ng malakas ang kanyang kaibigan.

Ang nasampal na kaibigan ay nagulat at hindi nakakibo kaya siya ay sumulat na lamang sa buhangin ng disyerto at ganito ang kanyang sinulat " Sa araw na ito sinampal ako ng matalik kong kaibigan ".

Nagpatuloy sila ng paglalakad sa gitna ng disyerto ng walang imikan sa isa't isa , hanggang sa hindi inaasahan na makakita sila ng isang Oasis ( tubigan sa gitna ng disyerto na may halaman ).

Ang kaibigan na nanampal ay agad agad na tumalon sa tubigan para maligo subalit ang kanya palang natalunan ay pusali , isang maputik na parang kumunoy.

Dahil dito siya ay unti unting lumulubog , at nakita ito ng kanyang kaibigan na sinamapal niya at siya ay
dali daling tinulungan at sinagip sa pagkakalubog sa pusali.

Pagkatapos niyang mailigtas ang kanyang kaibigan na sumampal sa kaniya sumulat siya ulit , pero ito ay isinulat niya sa isang batuhan at ganito ang kanyang sinulat " Sa araw na ito iniligtas ko ang aking matalik na kaibigan "

Dahil dito nagtanong ang kanyang kaibigan na sumampal sa kanya " Friend , kaninang sinampal kita hindi ka gumanti bagkus sumulat ka lang sa buhangin , ngayon naman iniligtas mo ako sa kapahamakan tapos sumulat ka naman sa bato, Bakit ? "

Sumagot ang kaibigan na sinampal , " Alam mo friend , kapag may mga taong nanakit ng aking damdamin ,sinusulat ko lang ito sa buhangin kasi kapag nahanginan ito agad din na nabubura , pero kapag may mga taong nagawan ko ng mabuti o may ginawang mabuti sa akin isinusulat ko naman ito sa bato para kahit hanginin hindi siya mabubura."

Ano ang aral :

Mas mainam na itanim sa puso ang pagpapatawad kaysa ang galit at sama ng loob.





No comments:

Post a Comment