Isang mahusay na karpentero ang plano ng magretiro na dahil na rin sa kanyang katandaan . Kinausap niya ang kanyang boss tungkol sa plano niyang pagreretiro , kailangan na niyang gawin ito para naman makapagsimula siya ng kanyang planong sariling negosyo kasama ang kanyang pamilya.
Subalit ang kanyang boss ay nakiusap sa kanya na huwag muna siyang magreretiro. Hiniling ng kanyang boss na siya muna ang gawing karpentero sa isang proyekto na itatayong dalawang palapag na bahay , dahil dito
pumayag naman ang karpentero.
Bago pasimulan ang proyekto , kinausap ng boss ang karpentero na ayusin ,tibayan at pagandahin ang bahay na itatayo at sabihin kung magkano ang aabutin na mga materyales tungkol sa proyekto at siya na ang bahala.
Subalit dahil parang wala sa loob ng karpentero ang trabahong inatang sa kanya dahil ang isip niya ay magretiro na at magtatayo na lang siya ng negosyo kasama ang pamilya , hindi niya masyadong inayos ang kanyang trabaho , hindi siya gumamit ng magagandang materyales at hindi niya masyadong ginandahan ang disenyo ng bahay.
Dumating ang panahon na ang bahay ay natapos at ito ay kayang pinaalam sa kanyang boss.
sabi ng karpentero sa kanyang boss , " Sir sa wakas natapos din po ang bahay na ito na ipinagawa nyo sa akin , ayos naman po ang pagkakagawa nito at siguro naman po papayagan na ninyo akong magretiro "
ang sagot ng kanyang boss " Oo naman po , katunayan ang bahay na aking ipinagawa sa inyo ay regalo ko sa iyo dahil sa matapat kayong naging empleyado ko , kaya eto na po yung susi sa inyo na po ang bahay na iyan "
Nang marinig ng karpentero na ang bahay na kanyang ginawa ay para pala sa kanya ,siya ay nanlumo , nalungkot at nanghinayang , dahil kung agad niyang nalaman na ang bahay na ginawa niya ay para sa kanya , ginawa na sana niya itong napakaganda at napakatibay..
Ano ang aral :
Huwag nating sayangin ang magandang pagkakataong ibinigay ng Diyos sa atin , ang pagkakataong mapaglingkuran siya , magamit ang ating mga kakayahan para sa kanya
dahil darating ang panahon lahat ng ating pagpapagal para sa Diyos ay kanyang gagantimpalaan. Purihin ang Panginoon..
No comments:
Post a Comment