300X600

Thursday, May 26, 2016

GISING

Sa plaza ay may lalaking naglagay ng munting sound system ,
isinaksak ang mic at nagsimulang mangaral sa mga taong naroon na namamasyal ,
ang iba nakaupo , ang iba palakd lakad.

Nangaral siya tungkol kay Cristo bilang tagapagligtas
at kahalagahan ng pananalig kay Cristo
ang iba nakikinig ,ang iba nag oobserba lang ang iba walang pakialam.

Sa gitna ng kanyang pangangaral , may isang lalaki sa karamihan
ang biglang sumigaw at binulyawan ang lalaking nangangaral at kanyang sinabi

" Hoy pwede bang tumigil ka na sa pangangaral mo , gumising ka na , nananaginip ka lang ,kalokohan lang yang ginagawa mo ! "

maya maya isang batang babae na ang eded ay nasa walong taon
ang lumapit doon sa lalaking nambubulyaw at sabi ng bata

" Manong maari po ba akong makiusap sa inyo ? 

Bakit iha ? tanong ng mama

sagot ng bata ,

" Tatay ko po ang nangangaral na iyan , kung sinasabi po ninyo 
na dapat po siyang gumising dahil nananaginip lang po siya , 
pakiusap ko po , huwag na po ninyo siyang gisingin "

ang sabi ng lalaki sa bata " Ha bakit iha ? 

sagot ng bata " Kasi po dati po siyang malupit sa akin at sa aming magkakapatid , 
ganun din sa aking nanay , pero dahil po kay Jesus nagbago na po siya , 
Kaya sana po kung para sa inyo ang tatay ko
ay nananaginip lang , sana po huwag na po ninyo siyang gisingin "

Nang marinig ito ng lalaki siya ay napahiya sa bata at siya'y umalis na lang

Ano ang Aral :

Kay Jesus ay may ganap na pagbabago , kaya dapat makita sa atin ang buhay na patotoo.

Purihin ang Diyos.





No comments:

Post a Comment