300X600

Friday, May 27, 2016

MATA

Isang babae ang kinamumuhian niya ang kanyang sarili dahil sa siya ay bulag.

Galit siya sa lahat ng tao maliban sa kanyang kasintahang lalaki dahil
labis ang pagmamahal sa kanya nito at pag-aaruga.

Sabi niya sa kasintahan niya ,

" Alam mo , kung makikita ko lang ang mundo pakakasalan kita "

Isang araw may nagmagandang loob na mag donate ng mata sa babae
at sinimulan siyang maoperahan at ito'y naging matagumpay.

Labis ang kaligayahan ng babae dahil sa wakas nakita na rin niya
ang ganda ng mundo at ng kanyang kapaligiran ,maliban na lamang
sa kanyang kasintahan.

Isang araw dumalaw ang lalaki sa kanyang kasintahan para
kamustahin ang kalagayan at ang resulta ng operasyon
at sobrang saya niya dahil naging matagumpay naman ang operasyon.

Ang tanong ng lalaki :

" Mahal ngayong nakakakita ka na maari na ba tayong

magpakasal ? "

Subalit ang babae ay tumanggi dahil hindi niya akalain na ang
kasintahan niya ay bulag din pala.

Ang lalaki ay umalis na lumuluha at dala dala ang sakit ng kanyang kalooban.

Ilang araw ang lumipas may dumating na sulat para sa babae at itoy
galing sa kanyang kasintahang lalaki at ganito ang nakasulat .

" Alam mong labis ang pagmamahal ko sa iyo , subali't wala akong magagawa 
kung hindi mo matanggap ang kalagayan ko , ito lang ang hiling ko sa iyo , 
ingatan mo sana ang mga mata ko na ibinigay ko sa iyo "

Aral :

Matuto tayong magpahalaga sa mga taong
nagpahalaga at nagmalasakit sa atin..

Glory to God.

No comments:

Post a Comment