Sa isang kaharian ay may hari na bulag ang isang mata
at putol ang isang binti.
Tinawagan niya ang lahat ng magagaling at mahuhusay na pintor
para siya ay ipinta . subalit dapat na maganda ang gagawing pagpinta sa kanya.
Subali't marami sa mga pintor ang napakamot sa ulo , napa ismid ,
napanganga ,napailing , napayuko dahil parang mahirap yung hinihiling
ng hari na ipinta siya na maganda.
Paano nga naman ipipinta ng maganda ang bulag ang isang mata at putol ang isang paa.
Subalit may isang pintor sa karamihan ang pumayag na ipinta niya ang hari na isang magandang larawan. sabi niya :
" Mahal na hari huwag po kayong mag-alala, maipipinta ko po kayo ng isang magandang larawan "
Nang marinig ito ng karamihan sila ay lihim na nagtawa at nagbulung bulungan na sinasabi :
" Ang lakas naman ng loob ng pintor na ito , sigurado mapapahiya lamang siya "
Lumipas ang ilang araw natapos ng pintor ang kanyang ginawang pinta
at ito ay dinala niya sa hari na nakabalot pa ng papel
Maraming tao ang naroon dahil gusto rin nilang makita ang ginawang pinta ng
pintor , naroon din ang ibang mga pintor para makita ang larawan.
Nang inalis ng pintor ang papel na nakatakip sa larawan at ipinakita ito sa hari
Ang hari ay natuwa at humanga at ganun din ang paghanga ng mga tao roon
Bumungad sa kanila ang ganitong larawan :
Ang hari ay nasa gubat at naka suot ng pang hunting ( hunting attire )
nakapikit ang isang mata na may hawak na pana at may inaasinta
na ang isang paa ay nakaluhod.
Aral :
nakikita man ng tao ang iyong kapintasan at kahinaan
subali't ang hindi nila alam ikaw ay may tinatagong
kagandahan at kabutihan..
To God be the Glory
No comments:
Post a Comment